CIDG, doble kayod sa pagtukoy ng mga nasa likod ng smuggling ng agricultural products

Paiigtingin pa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isinasagawa nilang imbestigasyon hinggil sa mga taong nasa likod ng pagpupuslit ng produktong pang agrikultura sa bansa.

Ayon kay PNP-CIDG Director PBGen. Romeo Caramat Jr., inaalam na nila ang pagkakakilanlan ng mga ito dahil sa patuloy na pananabotahe sa ekonomiya ng bansa.

Aniya, papanagutin nila ang mga ito sa ilalim ng batas.


Giit pa ng opisyal mananatiling alerto at mapagmatyag ang CIDG hinggil sa mga iligal na aktibidad tulad ng smuggling.

Matatandaan nitong Biyernes aabot sa ₱150 billion ang nasabat ng CIDG sa serye ng inspeksyon na kanilang ikinasa katuwang ang Bureau of Customs (BOC) kung saan nakumpiska ang tone-toneladang mga sibuyas, bawang at iba pa.

Facebook Comments