Inutos na ni PNP Chief Police General Debold Sinas ang malalim na pag iimbestiga sa pagpatay sa dating hepe ng Jolo Police na si Pol. Lt. Col. Walter Annayo.
Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni Sinas na tutulong na ang CIDG sa pagresolba sa kaso para makamit ng pamilya ni Annayo ang hustisya.
Pangungunahan ng Police Regional Office ng Bangsamoro ang imbetigasyon.
Samantala, tiwala naman si PNP Chief na lalabas din ang totoo sa nangyari.
Sa ngayon aniya tinitignan nila ang lahat ng anggulo at motibo sa krimen.
Matatandaang nitong Sabado, pinagbabaril si Annayo ng ‘di pa nakikilalang salarin sa Barangay Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao.
Matatandaang sinibak si Annayo kasama ang siyam niyang mga tauhan nang masangkot sa pamamaril sa apat na sundalo noong June 29 sa Jolo Sulu.