CIDG, magkakasa ng crackdown laban sa hindi awtorisadong paggamit ng Ivermectin

Nangako ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na hahabulin ang mga magbebenta at mamamahagi ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa bansa.

Ito ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkasa ng operasyon laban sa hindi awtorisadong paggamit ng gamot.

Ayon kay CIDG Director Major General Albert Ignatius Ferro, tutugisin nila ang mga kriminal na sinasamantala ang takot na dala ng COVID-19 pandemic.


Katuwang ang Food and Drug Administration (FDA), inatasan ng CIDG ang kanilang field units na magpatupad ng mga hakbang para bantayan ang paggamit ng Ivermectin sa bansa.

Paiigtingin din ang police operations laban sa mga anumang magiging paglabag sa Republic Act 9711 at Compassionate Special Permit ng FDA.

Facebook Comments