Itinalaga ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para manguna sa pagsasagawa ng manhunt operation laban sa mga suspek sa pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon kay PNP Chief, kapag natapos na ang ibinigay nilang 72 hours utimatum at hindi pa sumusuko ang mga suspek ay CIDG na ang tutugis sa kanila.
Nagbigay na rin ng direktiba si Sinas sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na ipatupad ang subpoena para maaresto ang mga suspek.
Ang subpoena ay ibinibigay ng PNP sa mga persons of interest at suspek sa krimen.
Kaya panawagan ni PNP Chief sa mga pamilya ng mga suspek sa pagpatay kay Dacera, isuko na ang kanilang kaanak.
Una nang sinabi ni PNP Chief na 11 lahat ang suspek, tatlo rito ay naaresto na.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Sinas na case solved ang kanilang ginamit na termino dahil may mga naaresto nang suspek at iba ito sa case closed.