CIDG, nakasamsam ng ₱9.1-M na halaga ng mga pekeng sapatos

Umaabot sa mahigit ₱9.1 milyon ang halaga ng umano’y pekeng sapatos at tsinelas na nasamsam ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa ikinasang operasyon sa tatlong bodega sa Pasay City nitong Agosto 7, 2025.

Ayon sa CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit (AFCCU), isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant laban sa paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.

Arestado ang suspek na si “Zen,” 37 anyos, Chinese national, at may-ari ng mga bodega.

Nakatakdang kasuhan ang suspek sa National Prosecution Service dahil sa paglabag sa Infringement, Unfair Competition at False Description or Representation dahil sa ilegal na paggamit ng rehistradong trademark na maaaring magdulot ng panlilinlang o kalituhan sa mga mamimili.

Facebook Comments