Kasunod nang nagpapatuloy na imbestigasyon ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) hinggil sa 34 na nawawalang sabungero.
Umapela ang mga awtoridad sa publiko na makipag-ugnayan sa kanila kung may nalalamang impormasyon sa mga nawawalang sabungero.
Ayon kay CIDG Spokesperson Police Major Mae Ann Cunanan, mas madaling mareresolba ang kaso kung magtutulungan ang lahat.
Ang pagresolba kasi ng kaso ng mga nawawalang sabungero ay isa mga mainam na regalo ngayong magpapasko.
Una nang sinabi ni CIDG Director Police BGen. Ronald Lee sa pakikipagpulong nito sa mga kaanak ng mga sabungero kahapon na wala pa silang maibigay na timeline kung kailan talaga mareresolba ang kaso dahil sa pagiging sensitibo nito.
Gayunpaman, may binuo na silang tracker team para matunton ang mga suspek.
Matatandaan noong nakalipas na linggo ay sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention ng PNP sa Department of Justice, ang dalawa pang suspek na nakita sa isang secret cellphone video na kasama ng isang nawawalang sabungero sa Laguna.