CIDG, pinadalhan na ng subpoena ang ilang indibidwal na makakatulong sa pagtukoy sa pamemeke ng pirma ni Pangulong Marcos kaugnay sa BI appointment paper

Kinumpirma ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PBGen. Ronald Lee na may limang katao na silang natukoy na makatutulong sa imbestigasyon sa pamemeke ng pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa appointment paper ni Attorney Abraham Espejo Jr., bilang commissioner ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Lee, tatlo sa lima nilang natukoy ay napaldahan na ng subpoena.

Habang ang dalawa pang personalidad ay patuloy na inaalam ang kasalukuyang tirahan.


Kasunod nito, umaasa ang CIDG na makikipagtulungan ang tatlong pinadalhan ng subpoena para mabigyang linaw ang isyu.

Matatandaan na maliban sa CIDG, inatasan din ng Palasyo ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon.

Base kasi sa pagsasaliksik ng Office of the Press Secretary, Office of the President, Office of the Executive Secretary at Presidential Management Staff, walang nilalagdaang appointment paper ang pangulo para kay Espejo na commissioner ng BI.

Facebook Comments