CIDG region 8 chief, Supt. Marvin Marcos, – nakalaya na matapos makapagpiyansa

Manila, Philippines – Nakalaya na ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group Region 8 (CIDG-8) na si Supt. Marvin Marcos matapos na makapagpiyansa.

Ito’y makaraaang ibaba sa kasong homicide ang kinaharap nitong kasong murder kasama ang walong iba pang akusado dahil sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Raul Yap dahil sa ilegal na droga.

Ayon kay CIDG Region-8 Deputy Chief Inspector Teodolo Armada – Nakalabas na si Marcos matapos na payagan ng korte na maghain ng piyansa.


Nabatid na naglabas ng resolusyon ang Department of Justice (DOJ) na nagbabasura sa two counts of murder sa mga miyembro ng CIDG-8 na pinangungunahan ni Marcos.

Facebook Comments