
Handang tumulong ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sakaling maghahain ng arrest warrant laban kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay CIDG Director, PMGen. Robert Alexander Morico II, wala pa silang natatanggap na dokumento mula sa International Criminal Court o ICC ngunit kung sakali na makatanggap sila nito ay nakahanda naman sila para maghain ng warrant.
Dagdag pa nya, anuman o sinuman ang personalidad na sangkot sa kriminalidad ay aaksyunan ng ahensya dahil mandato nito na imbestigahan at arestuhin ang lumabag sa labas.
Matatandaan na kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na lumabas na umano ang warrant laban kay Senator Dela Rosa para sa kasong crime against humanity.
Kaugnay ito nang madugong kampanya kontra droga noong panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan si Dela Rosa ay ang Philippine National Police (PNP) Chief.








