CIF, mainit na pinagdebatehan ng 2 kongresista

Naging mainit ang debate sa plenaryo sa pagitan nina Marikina City Representative Stella Quimbo at ACT Teachers Party-list Representative France Castro kaugnay sa paglipat ng 125 million pesos sa Office of the Vice President sa ilalim ng 2022 National Budget

Giit ni Castro, ilegal ang paglipat sa nabanggit na contingent fund dahil wala umano ito sa line item.

Pero paliwanag ni Quimbo na siyang tumatayong sponsor ng budget, inaprubahan ng Kongreso ang contingent fund na pinagmulan ng pondong inilipat sa OVP.


Diin ni Quimbo, ito ay itinuturing din na special purpose fund na maaring gamitin sa mga proyekto, aktibidad at programa na “urgent” at bago.

Tinukoy din ni Quimbo na base sa desisyon ng Korte Suprema sa Belgica vs Ochoa, ay valid na line-item appropriation ang contingent fund na pwedeng hilingin ng ahensya sa Department of Budget and Management na aaprubahan naman ng pangulo.

Sa tingin ni Quimbo, nalilito lang si Castro sa nature ng special purpose fund na inilapat sa OVP, bagay na itinanggi ni castro.

Ang argumento ni Qiuimbo ay sinuportahan naman ni House Deputy Speaker Isidro Ungab na dati ring chairman ng appropriations committee.

Facebook Comments