Cimatu, hiniling sa publiko na tumulong sa pagsugpo ng illegal wildlife trade

Hiniling ni Environment Secretary Roy Cimatu sa publiko na panatalihin ang pagiging mapagmatyag laban sa wildlife crime upang matulungan ang gobyerno sa pagsugpo ng illegal wildlife trade na nagiging dahilan ng pagkaubos ng mga endangered species.

Ayon kay Cimatu, napapanahon ang temang ito matapos palakasin ng DENR sa pamamagitan ng Philippine Operations Group of Ivory and Illegal Wildlife Trade ang kanilang kampanya laban sa mga illegal wildlife traders katulong ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.

Kamakailan lamang nang magsagawa ng operasyon ang Task Force POGI kasama ang mga tauhan ng Biodiversity Management Bureau (BMB), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa Mati City, Davao Oriental na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 450 piraso ng iba’t-ibang klase ng ibon, mammals at reptiles na nagkakahalaga ng P50 million.


Facebook Comments