Cimatu hinimok ang publiko na bawasan ang basura ngayong Kapaskuhan

Hinimok ni Environment Secretary Roy Cimatu ang publiko na tumulong na mabawasan ang negatibong epekto ng Kapaskuhan sa kapaligiran sa pamamagitan ng solid waste management na reduce, reuse at recycle.

Sinabi ni Cimatu na bagama’t ang Pasko ang pinakamasayang pagdiriwang sa buong taon, may masala namang dulot ito sa kapaligiran dahil sa tambak na basura mula sa maraming mga patitipon.

Ayon kay Cimatu, ang basurang nalikha sa Metro Manila sa unang kalahating bahagi ng 2019 na umabot na sa mahigit 66,000 cubic meters.


Ito ay lampas na sa annual target na 58,112.31 cubic meters.

atu ang paggamit ng eco-friendly na pambalot ng regalo at gift bags tulad ng mga gawa sa kawayan, rattan, abaca at dahon ng buri dahil ito ay maaring gamitin muli.

Iminungkahi ni Cimatu na magbigay ng regalo na mag-iiwan ng magandang alaala or karanasan tulad ng pamamasyal sa magagandang parke, pagdalaw sa bahay-ampunan, home for the elderly at hospice.

Ani Cimatu, sa mga salu-salo, mainam ang pag-gamit ng mga plato at kubyertos na nahuhugasan sa halip na paper plates, at plastic cups, spoons and forks.

Para maiwasan ang sobrang pagkain, bumili or magluto lamang ng sapat at siguraduhin na mas marami ang gulay kaysa karne.

Facebook Comments