Cimatu, ibinigay na sa DENR Regional Offices ang pag-isyu ng tree-cutting, earth-balling permits

Inilipat na ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa regional offices ang karapatan sa pag-isyu ng permit sa pagputol at paglipat ng naturally-growing trees sa lugar at aktibidad na hindi saklaw ng Executive Order 23.

Batay sa EO 23, mahigpit na ipinagbabawal ang pagputol at pag-ani ng kahoy sa natural at residual forests.

Layunin ng DAO na pagaangin ang mga hakbang at proseso ng pag-apruba ng naturally-grown trees sa pribadong lupa.


Kabilang na rito ang nasa public o forest lands na may approved tenure agreements katulad ng Forest Land Use Agreement, Forest Land Use Agreement for Tourism purposes, Special Land Use Permit, at Mineral Production and Sharing Agreement na mayroong inaprubahang Environmental Protection and Enhancement Program.

Binigyang-diin pa nito na ang aksiyon ay magbibigay ng kasiguruhan na walang natural-growing trees, o puno na dati nang nakatanim sa lugar na hindi itinanim ng may-ari na mapababayaan o mapuputol.

Ayon naman kay DENR Assistant Secretary at concurrent Forest Management Bureau (FMB) Director Marcial Amaro, Jr., sa pamamagitan ng direktiba ay maisasayos ng ahensiya ang pagproseso ng forestry-related permits at iba pang regulatory instruments bilang pagsunod sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Facebook Comments