Tiniyak ni Enviroment Secretary Roy Cimatu na kapakanan ng mga IPS ang kanilang priyoridad.
Ginawa ng DENR chief ang pahayag bilang tugon sa asuntong isinampa laban sa kanya ng Task Force Tamasco, isang alyansa ng non-governmental organizations na sumusuporta sa mga indigenous group.
Kasong neglect of duty ang isinampa ng grupo laban kay Cimatu dahil sa hindi umano pag-aksiyon sa kanilang petisyon laban sa llegal na operasyon ng coffee plantation sa lupang ninuno ng mga katutubo sa South Cotabato at Sultan Kudarat.
Sa pulong balitaan,sinabi ni Usec Benny Antiporda na pagka upo sa puwesto ni Cimatu ay ipinabatid na sa kaniya ng sangguniang panlalawigan ng Sultan Kudarat ang isyu.
Agad aniyang bumuo ang kalihim ng isang fact finding mission para silipin ang integrated forest management agreement ng M&S Co.
Ani Antiporda, wala pang inaaprubahang integrated forest management agreement si Cimatu at sakali aniya na mayroon na, priyoridad nila ang kalagayan ng indigenous peoples.
Dagdag ni Antiporda, July 2019 lamang nila natanggap ang
formal complaint.
Gayunpaman, pinamamadali na ng kalihim ang paglalabas sa resulta ng imbestigasyon.