Cimatu, pinatutugis sa PNP ang mga suspek sa pagpatay sa mga DENR informant

Hiniling ni Environment Secretary Roy Cimatu sa pamunuan ng Philippine National Police na kilalanin at arestuhin ang nasa likod ng pamamaslang sa  informant ng Department of Environment and Natural Resources  sa bayan ng  Rizal sa probinsya ng  Nueva Ecija.

Ayon kay Secretary Cimatu, umaasa siya na palalalimin ng PNP ang kanilang imbestigasyon para  mabigyan ng hustiya ang pagkamatay ni Gaudencio Arana, na dating nakatalaga sa Community Environment and Natural Resources Officer sa bayan ng Muñoz at matagalan ng DENR informant.

Si Arana, 56, ay binaril ng dalawang motorcycle-riding criminal noong gabi ng Sept. 11.


Ayon kay CENRO Florencio Lalu, si  Arana ang nakapagbigay ng impormasyon sa aktibidad ng mga illegal loggers sa Pantabangan, Rizal, Nueva Ecija na nagbunsod sa pagkakumpiska ng mga kahoy at chainsaws.

Pangalawa na si Arana sa mga environmental workers na napapaslang.

Facebook Comments