Hinimok ni Environment Secretary Roy Cimatu ang publiko na tumulong na bumuo ng bagong tradisyon sa pagsalubong sa bagong taon.
Hinikayat ng Environment chief ang publiko ang paggamit ng pailaw at paputok.
Aniya, ang pagdiriwang ng New Year’s Eve ay isa sa mga “atmospheric pollution events”na nagdudulot ng polusyon at peligro sa kaligtasan at kalusugan.
Bukod sa maaaring maging sanhi ng sunog ang mga pailaw at paputok, ang mga ito ay may nakapipinsalang kemikal tulad ng lead, aluminum at cadmium at nag-iiwan din ng metal particles, dangerous toxins at usok sa hangin na maaaring tumagal ng ilang oras at araw.
Sa halip na gumamit ng pyrotechnics at firecrackers, hinimok ni Cimatu ang publiko na salubungin ang bagong taon gamit ang mga alternatibong maka-kalikasang paraan.
Inihalimbawa niya ang pagdaraos ng musical concerts, pagpapatugtog ng musika at paggamit ng torotot.
Naniniwala si Cimatu na ang “culture change” ay kinakailangan upang mabigyan ng proteksiyon ang kalikasan.
Naniniwala din ang environment chief na ang pagbabago sa saloobin at kilos ng mga tao patungkol sa isyu ng kalikasan ang pinakamahirap na bahagi ng isinasagawang rehabilitasyon ng Manila Bay.