Cindy Miranda, itinanggi na siya ang third party sa hiwalayan ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica

“I’m not the third party. Thanks.”

Ito ang sagot ng aktres at beauty queen na si Cindy Miranda matapos na may ilang netizen na nagcomment sa kaniyang Instagram account kung siya raw ang “third party” sa hiwalayang mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Say ni Cindy, first time niya makatrabaho si Aljur sa ginagawa nilang upcoming movie na “Nerisa” at very professional ang naturang aktor.


Dagdag pa ng aktres, sigurado siya na walang nagiging problema sa kanilang love scenes sa nasabing pelikula at ang chemistry nila ni Aljur ay nadala lang ng kanilang pag-arte.

Ayon pa kay Cindy, 100 percent na trabaho lang ang relasyon nila ni Aljur at walang personalan.

Sang-ayon naman si Cindy sa komento ng isang netizen na nakakadiri at nakakababa ng pagiging babae ang pumatol sa lalaking may asawa.

Matatandaan, kinumpirma ni Robin Padilla sa ekslusibong panayam ni Ogie Diaz sa YouTube vlog nitong July 7 na ang anak niyang si Kylie ang nakipaghiwalay kay Aljur dahil sa third party.

Facebook Comments