City Agriculture Office ng Cauayan City, Isabela, Nabigyan ng Parangal!

21

*Cauayan City, Isabela- *Nakatanggap ng parangal bilang isa sa mga Agriculture Extension Worker Rice Achiever ang City Agriculture Office ng Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay City Agriculturist Rufino Arcega ng City Agriculture Office, walo umano silang nakatanggap sa nasabing parangal sa syudad ng Baguio.

Patunay umano ito na maganda ang kanilang pamamalakad at implementasyon pagdating sa agrikultura gaya ng pagsasaka.

Aniya, nasa siyamnapung porsiyento na dito sa lungsod ng Cauayan ang sumusunod sa makabagong paraan ng pagsasaka at gumagamit na ng hybreed na uri ng palay at mais.

Bihira na lamang umano sa mga magsasaka ang gumagamit ng conventional o basic na klase ng palay at mais.

Samantala, kasalukuyan na umano ang kanilang programang pagpapautang para sa mga piling magsasaka ng mais at palay sa mga barangay na nasasakupan ng Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments