Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Pasig City na pansamantalang isinara ang City Assessor’s Office nito matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado nito.
Batay sa ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na tatagal ng 14 na araw ang pagsasara ng nasabing opisina upang matiyak na walang mahahawa ng virus at mapigilan ang pagkalat nito.
Tiniyak naman ng CESU na sumailalim na ng swab test ang mga personnel ng City Assessor’s Office na na-expose sa mga nagpositibo sa COVID-19.
Humingi naman ng pag-unawa ang pamahalaang lungsod ng Pasig sa mga taong naapektuhan ng pasasara ng City Assessor’s Office.
Matatandaang kahapon ay nauna nang ini-lockdown ang Office of the Building Official ng lungsod matapos din magpositibo sa COVID-19 ang ilang manggagawa nito.