City councilor ng Pasay, kritikal sa pamamaril

607

Manila, Philippines – Nasa kritikal na kundisyon habang nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios hospital ang isang konsehal matapos na tambangan kanina sa Pasay city.

Kinilala ang biktimang si Borbie Rivira 39 anyos konsehal ng lungsod Pasay at residente ng Protascio St.

Kasamang sugatan ang kanyang close in security na kinilalang si Alex Dominguez na tinamaan din matapos paulanan ng bala ng dipa nakikilang mga suspek na armado ng mahabang baril ang kanilang sasakyan na land cruiser sa labas ng Titan C club sa Macapagal blvd pasay city malapit lamang sa gsis complex .


Ayon sa Pasay city police habang papaalis na ang grupo nitong si konsehal Rivera ng alas 4:00 ng madaling araw matapos makipag pulong sa mga opesyales ng brgy. nang may biglang lumapit na dalawang lalaki na armado ng armalite at 45 baril at walang sabi sabing pinagbabaril ang mga biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hingil sa motibo ng pamamaril sa isang konsehal ng Pasay at gayun narin sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments