Nanawagan si Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi sa mga mamamayan ng lungsod na sumunod sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa gitna parin ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa kanyang naging pahayag, iginiit nito na ang ipinatutupad na ECQ ay ginagawa upang maprotektahan ang mga mamamayan ng lungsod laban sa nabanggit na sakit.
Nitong Lunes, tinungo ni Mayor Guiani-Sayadi ang isa sa mga pangunahing lansangan sa lungsod upang personal na makita ang daloy ng trapiko sa gitna ng ipinatutupad na ECQ.
Samantala, ipinamahagi na kahapon ng Cotabato City Government sa 37 mga barangay sa lungsod ang bagong quarantine pass (QP) na ipamimigay sa mga residente.
Sa panayam ng DXMY kay Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi, maaring kahapon pa ay nakapagsimula nang mamigay ng GP ang mga barangay sa kani-kanilang kinasasakupan kung hindi man ay posibleng ngayong araw na ng Biyernes.
Nilinaw naman ni Mayor Sayadi sa ngayon ay isang QP na lamang ang ibibigay sa bawat sambahayan, magkakaroon lamang ito ng isang alternate na pwede ring gumamit ng QP.
Ito ay isa lamang sa mga hakbang ng city government sa pagpapa-igting ng enhanced community quarantine upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.
Una rito ay pinalitan ng lokal na pamahalaan ang naunang mga ipinamahaging QP, naabuso umano kasi ito kung saan marami ang nahuling nameke. Sa pagkakataong ito ay may bago nang features ang QP.
Samanatala sa mga nagta-trabaho naman sa mga opisina sa lungsod, sinabi ni Cotabato City Mayor Guiani-Sayadi na kailangan nilang kumuha ng workers pass kung hindi naman sila kabilang sa frontliners. Hindi kasi maaring gamitin ng empleyado ang quarantine pass (QP).
Nilinaw ni Mayor Sayadi na hindi sila tutol sa national at hindi nila kinukwestyon ang provincial laws, ang ipinatutupad ng city government ay ang sarili nitong enhanced community quarantine alinsunod sa mga panuntunan ng pamahalaang national.
PIC Courtesy FB of Amad