Isinagawa kahapon, Agosto 26 ang City Health Board Meeting sa lungsod ng Dagupan upang pag-usapan ang mga hakbang para sa mas epektibo at inklusibong serbisyong pangkalusugan, lalo na para sa mga mahihirap.
Tinalakay sa pulong ang pagpasa ng Memorandum of Understanding kaugnay ng emergency health commodities, paglikha ng mga Executive Order para sa Pollution Control Officer, Women and Child Protection Unit, at DOH Fixed Tranche Liquidation Team.
Inaprubahan din ang paggamit ng ICLINICSYS bilang secondary Electronic Medical Records system sa ilang health centers ng lungsod.
Dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan at national agencies tulad ng DOH, DILG, at CSWDO.
Ayon sa mga opisyal, mahalaga ang pagtutulungan at bukas na komunikasyon upang masigurong “No one is left behind.” | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







