City Health Office, naglungsad ng bagong kampanya laban sa dengue

Zamboanga – Puspusan na naman ang kampanya ng City Health Office sa lungsod ng Zamboanga, kasunod ang pag-akyat ng bilang ng kaso ng dengue noong buwan ng Abril at Mayo.

Dahil dito naglungsad ng Massive Clean-up Drive ang City Health office na sinuportahan naman ng 98 barangay upang labanan ang mosquito borne disease o dengue.

Ayon kay City Health Officer Dr. Rodelin Agbulos, mas mataas ang bilang ng kaso ng dengue nitong Abril at Mayo, kung ihambing ang bilang nito sa parehong buwan noong nakaraang taon, lima ang naitalang namatay simula noong Enero hanggang nitong buwan ng Hunyo.


Giit ni Agbulos, nasa alarming level na ito sa ngayon, gayon ayaw niyang umabot pa ito sa outbreak level sa buwan ng Agosto at Septyembre, kung kayat umapila siya sa mga opisyales ng barangay at mga residente na tumulong upang ma eliminate ang kaso ng dengue sa lungsod.

Nagsagawa naman ng foras sa ibat ibang grupo at organization ang city health office, at namahagi ng mga fliers at posters o ibang mga printed materials.

Facebook Comments