Sarado pansamantala ng tanggapan ng City Information Office dahil sa pagtatala nito ng isang positibong kaso ng Covid-19 na isang empleyado ng opisina.
Ang nasabing empleyado ay kasama sa grupo ng mga empleyado ng City Information Office na kabilang sa mga nagdedeploy sa high-risk activities sa frontline service.
Matatandaan na ang tanggapan ng City Information Office ay patuloy na nag-auaugment sa pangangailangan ng iba’t ibang mga opisina at humaharap sa maraming tao. Malaki posibilidad na nakuha o nahawa umano ang empleyado habang ginagampanan ang tungkulin.
Sa kasalukuyan ay asymptomatic ang staff na nagpositibo at tuloy tuloy na ang contact tracing sa naturang kaso.
Sa kabila nito, ang lahat ng mga empleyadong apektado ng quarantine ay mananatiling nakatutok sa pag monitor ng mga katanungan at patuloy na magaassess sa mga s-pass applications at patuloy na sasagot sa mga tawag.
Kabilang din sa nakasama sa contact tracing at precautionary disinfection ay ang City Mayor’s Office simula ngayong araw hanggang Wednesday August 18, 2021.