City legal officer ng QC-LGU, sinagot ang mga paratang ni Rep. Defensor

Sinagot ng City legal officer ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang overpriced umano na pagbili ng lokal na pamahalaan ng face shield.

Kasunod ito ng inihaing House Resolution ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na humihiling sa proper committee ng House of Representatives na imbestigahan ang pagbili ng LGU ng ₱24-million na halaga ng face shield.

May kaugnayan ito sa 400,000 piraso ng face shield na binili noong December 21, 2020.


Ayon kay Defensor, ₱67.50 kada piraso ang pagbili ng LGU na umaabot sa kabuuang ₱27-million.

Aniya, sa panahong binili ang mga face shield, ang prevailing price ng face shields sa Binondo, Manila ay nasa ₱10 per unit lang.

Ayon naman kay Atty. Orlando Casimiro, mahusay lang ang paggamit ng salita ni Defensor at sa mga kuno ay mga dokumento.

Pero, mali ang presentation nito dahil hindi inilinaw ang timing at konteksto.

Aniya, December 14, 2020 nang mag-isyu ang Inter-Agency Task Force (IATF) na nag-oobliga sa pagsusuot ng face shield.

Kulang ang suplay kaya tumaas ang presyo nito na umabot sa ₱120 kada piraso.

Sa pamamagitan ng emergency bidding process ay nakuha pa rin sa murang presyo

Kalahati pa nga raw ang kanilang natipid at dumaan ito sa masusing pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA).

Facebook Comments