City LGU at PNP hinimok ang publiko para maipagpatuloy ang katiwasayan sa Cotabato

Magpapatuloy sa kanilang pagsisikap at mga inisyatiba para mapanatili ang katahimikan sa Cotabato City. Ito ang sinabi ni City PNP Director SSupt Rolly Ocatvio sa DXMY kasabay ng karangalang natamo matapos ihirang ang Cotabato City bilang the Safest City sa buong Mindanao at 2nd Safest City sa buong Pilipinas ayon pa sa PNP.

Kaugnay nito lubos na pinasalamatan ni CD Octavio ang lahat ng nakiisa para sa pagpapanatili ng katiwasayan sa syudad kabilang na ang Joint Task Force Kutawato, 5th Special Forces, mga opisyales ng Baranggay at kay City Mayor Atty Frances Cynthia Guiani na syang nagunguna sa pagmimentina ng peace order sa syudad.

Matatandaang noong nakaraang mga araw ara ay inilabas ng Philippine National Police Crime Research and Analysis Center ang data na nagsasabing pumapangalawa ang Cotabato City sa Ormoc na may naiatalang pinakamababang crime rate sa buong bansa sa unang quarter ng 2018.


Samantala, umapaw naman ngayon ang pagsuporta at paghanga para kay City Mayor Cyn di lamang mula sa kanyang mga kababayan kundi maging sa ibat ibang sektor dahil na rin sa nag uumapaw na mga inisyatiba para maisigurong mapayapa ang syudad araw man o gabi.

Bagaman di rin naiiwasan ang pagtaas ng kilay ng iilan dahil na rin sa tila di makapaniwala sa karangalang nakamit ng CITY LGU, hinimok na lamang nina City PNP Director Octavio at Mayor Cyn ang lahat na tumulong na lamang sa mga otoridad para na rin sa tuloy tuloy na nararanasang katiwasayan ng Cotabato.

FB PIC

Facebook Comments