CITY LGU NG ILAGAN, NADEPENSAHAN ANG SGLG REGIONAL VALIDATION

CAUAYAN CITY – Matagumpay na nadepensahan ng Lokal na Pamahalaan ng Siyudad ng Ilagan ang Seal of Good Local Governance (SGLG) Regional Validation sa pangunguna ni City Mayor Josemarie L. Diaz.

Ang SGLG ay mandato at programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan ito ang pinakamataas na gawad parangal at pagkilala sa lahat ng LGU.

sa isinagawang feedbacking at exit conference, pinuri ni Assistant Regional Director Elpidio Durwin ang magandang serbisyo, alintuntinin, at pamamahala ng lungsod.


Watch more balita here:𝗕𝗥𝗢-𝗘𝗗 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞

Aniya, ito ang pang pitong Seal na natanggap ng Lungsod ng Ilagan at pangwalo kung kasama ang unang Seal of Good Housekeeping.

Dagdag pa ni ARD Durwin, ito ay sumisimbolo sa mahusay at matapat na pagbibigay serbisyo ng pamahalaang lungsod sa mga mamamayan ng Ilagan.

Facebook Comments