City of Ilagan, isinailalim sa ECQ; Mayor Diaz, Nagpositibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Agad na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine ang buong Lungsod ng Ilagan simula ngayong araw hanggang August 12 matapos magpositibo sa covid-19 si Mayor Jose Marie Diaz.

Batay sa ipinalabas na Executive Order no 54, isinailalim sa pitong araw na ECQ ang buong lungsod dahil sa lawak at dami ng kanilang kailangan na hanapin na kanyang nakasalamuha.

Ayon kay City Information Officer Paul Bacungan, ginawa ang hakbang na ito upang mapabilis ang pagtukoy sa posibleng nakasalamuha niya at maiwasan na makahawa pa ng iba.


Ayon pa kay Bacungan, kasalukuyan ngayon na nakaquarantine ang kanyang kaanak maging ang iba pang kasama nito sa bahay bilang pag-iingat sa nasabing virus.

Giit pa ni Bacungan, noong nakaraang linggo ng makaranas ng hindi maayos sa kanyang pakiramdam ang alkalde dahil na rin sa pagdalo nito sa ilang pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka maging sa naganap na graduation ng mga Locally Stranded Individuals na sumailalilm sa quarantine.

Kabilang din ang 22 Department heads na nakahome quarantine ngayon matapos magkaroon ng exposure sa alkalde.

Inatasan din nya ang lahat ng mga barangay opisyal ng lungsod na muling maghigpit sa kanilang mga nasasakupan upang hindi na kumalat ang naturang virus at upang mapabilis ang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

Facebook Comments