CITY OF ILAGAN, MAY BAGONG DISTRICT BOARD OF DIRECTOR NA NG ISELCO-II

May nanalo na! Nag-wagi si Ginoong Sherwin Balloga sa isinagawang District Election ng Isabela Electric Cooperative II (ISELCO-II) para sa lungsod ng Ilagan na mula sa District I.

Isinagawa ang eleksyon nitong Linggo, ika-2 ng Oktubre taong kasalukuyan sa Ilagan East Integrated Sped Center, City of Ilagan, Isabela.

Ayon sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Sherwin Balloga, lubos ang kaniyang pasasalamat sa mga Ilagueños sa kanilang suporta kaya’t siya ang nailuklok bilang bagong Board of Director ng Distrito Uno.

Dagdag pa niya, tiniyak niya na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang isulong ang kapakanan ng lahat ng Member-Consumers Owners (MCOs).

Nais din ni Ginoong Balloga na muling maibalik ang tiwala ng mga MCOs sa pamunuan ng ISELCO Dos matapos ang mga pangbabatikos na kinakaharap ng kooperatiba.

Facebook Comments