City of Ilagan, Mayroon nang 4 Gold Medals sa Batang Pinoy 2019!

*Cauayan City, Isabela- *Nakalikom na ng apat na gintong medalya ang Lungsod ng Ilagan sa kasalukyang tagisan ng mga manlalaro sa Batang Pinoy 2019 sa City of Ilagan Sports Complex.

Ito ang ibinahaging impormayson ni Ginoong Ricky Laggui, General Services Officer ng LGU Ilagan sa 98.5 RMN Cauayan na nilahukan ng mga piling atleta mula sa iba’t-ibang lugar sa Luzon.

Ayon kay Ginoong Laggui, nakakuha ng tatlong gold medal ang mga pambato ng City of Ilagan sa larong Pencak Silat habang isa naman sa Taekwondo pomsea.


Nakatakda naman ngayong araw ang Semi Finals ng Batang Pinoy na magtatapos bukas, Marso 23, 2019.

Inaasahan na sa pagtatapos ng Batang Pinoy ay magiging masaya at maayos ang nasabing event sa pamamagitan ng Grand Fireworks Display at pagtatanghal ni Juan Carlos Labajo sa Sports Complex.

Inaanyayahan naman ang lahat na manood sa mga aktibidades ng Lungsod para sa natitirang araw ng Batang Pinoy.

Samantala, nakatakda namang isagawa ng Lungsod ng Ilagan ang Women Sports na inisponsoran ng City Government at Philippine Sports Commission (PSC) na pangungunahan ni City Mayor Mudz Diaz na gaganapin sa huling Linggo ng Marso.

Facebook Comments