City of Ilagan, Nabigyan ng Parangal Bilang Achiever sa Buong Lambak ng Cagayan!

City of Ilagan, Isabela – Nabigyan ng parangal kahapon ang lungsod ng Ilagan bilang achiever sa buong rehiyon dos sa katatapos na Assembly Meeting ng Cagayan Valley Regional Tourism Association sa Santiago City.

Ipinagmalaki ni ginang Perly Gaoiran, Tourism Officer ng City of Ilagan na noong nakaraang buwan ng Setyembre sa ginanap na 2nd. Tourism Awards Night sa Cagayan de Oro City ay nanalo ang Ilagan bilang First Tourism Oriented LGU sa buong Pilipinas.

Aniya, ang mga parangal na natanggap ng lungsod ng Ilagan ay nagpapatunay umano na kilala ito bilang mayaman sa mga tourist destiny ng bansa.


Patunay din umano ang maraming turistang pumupunta sa nasabing lungsod at binabalik-balikan ang mga tourist spot tulad ng Ilagan Sanctuary, Japanese Tunnel, Butaka, Waterfalls at iba pa.

Facebook Comments