City of Manila, numero unong lugar sa bansa na may mataas na insidente ng murder

Manila, Philippines – Nangunguna ang lungsod ng Maynila sa mga lugar na may pinakamaraming nailatang kaso ng murder noong nakaraang taon.

Batay sa tala ng Philippine National Police (PNP), umabot sa 179 ang murder cases noong 2018.

Katumbas ito ng 14 na insidente ng patayan kada buwan.


Maliban sa Maynila, pasok rin sa top 5 ang Caloocan na mayroong 154 na kaso, Quezon City na may 135 kaso, Cebu na may 99 na kaso at Davao na may 94 murder cases.

Ang Quezon City naman ang may pinakamaraming kaso ng nakawan noong 2018 na umabot sa higit 1, 800.

Katumbas ito ng higit 200 insidente ng nakawan kada buwan.

Pasok rin sa listahan ang Maynila, Cebu, Zamboanga, Caloocan at Naga.

Pinakamarami namang homicide cases ang naitala sa Taguig City na umabot sa 82 kaso.

Sinundan ito ng General Santos City, Pasig City, Quezon City at Cotabato City.

Facebook Comments