Las Piñas City – Nagsagawa ang mga tauhan ng Las Piñas City Police Station ng simultaneous Anti-Criminality Police Operations at mahigpit na implementation ng city ordinances sa kanilang nasasakupan kung saan 61 katao kabilang ang 40 menor de edad na lumabag sa curfew, 16 na umiinom sa pampublikong lugar, 4 katao na mayroon warrant of arrest at isang nakahubad pang-itaas ang inanyayahan sa tanggapan ng Las Piñas Police Station upang imbestigahan sa kanilang ginawang paglabag sa city ordinances.
Batay sa imbestigasyon sa pulisya nakatanggap ng impormasyon ang Las Piñas Police na mayroong mahigit 60 katao kabilang ang menor de edad ang lumalabag sa ipinatutupad na city ordinances ng lungsod.
Agad na nagsagawa ng simultaneous Anti-Criminality Police Operation ang mga operatiba ng Las Piñas Police sa kanilang Area of Responsibility na nagresulta sa pagkakaaresto ng 61 katao.
Paalala ng pulisya sa publiko na mahigpit ang kanilang kampanya kontra sa mga paglabag sa mga ordinansa upang ipabatid sa mamamayan ng Las Piñas na seryoso ang PNP sa kanilang kampanya na ipatupad ang batas at mga ordinansa sa lungsod.