City PNP pinalakas ang kampanya sa War on Drugs

Pinalakas ngayon ng cot.city police office ang oplan Tokhang sa lungsod kung saan nagha-house to house ang mga pulis sa mga bahay na pinaghinalaan nilang sangkot sa bentahan ng illegal na droga.
Kasama ang mga barangay officials ay kanilang tinutungo ang bahay ng pushers at ushers na pinapakiusapan na itigil na ang kanilang Gawain kung gusto pa nilang mabuhay ng Malaya.
Nagbibigay din ng fliers sa mga nakakasalubong na tao ang mga pulis natin at kinakausapan naman ang ibang sector upang maipaliwanag ang masamang epekto ng droga sa katawan ng tao.
Kuntento naman si City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio sa performance ng kanyang mga pulis sa lungsod sa pagganap ng kanilang tungkulin pagdating sa War on Drugs, walo na raw katao ang nahuli ng mga police station sa nakalipas na sampung araw mula ng maibalik sa kanila ang kampanya sa war on drugs.

Facebook Comments