CITY SCHOLARS SA CAUAYAN, NAKATAKDANG MATANGGAP ANG KANILANG ALLOWANCE

Cauayan City – Magandang balita para sa mga estudyanteng scholar sa Lungsod ng Cauayan dahil inilabas na ang schedule of payout sa kanilang scholarship allowance.

Sa inilabas na anunsyo ng Cauayan City Local Government sa kanilang official Facebook page, nakatakdang isagawa ang scholarship payout sa darating na lunes, ika-15 ng Hulyo.

Magaganap ang nabanggit na payout sa FLDY Coliseum kung saan higit 1000 mga College Students mula sa lungsod ng Cauayan na kabilang sa City Scholars ang mabebenipisyuhan.


Samantala, ipinaalala naman ng LGU Cauayan na dapat nilang dalhin ang kanilang Scholarship QR Code At student ID, habang karagdagang authorization letter naman ang kailangang ipresenta ng mga representative ng mga scholars.

Inilabas rin ng LGU Cauayan ang listahan ng City Scholars na makakatanggap ng allowance sa darating na lunes.

Facebook Comments