City Veterinary Office ng Quezon City, nagbabala sa publiko na mag-ingat sa mga kumakalat na ibenibentang botcha sa lungsod

Manila, Philippines – Nagbabala sa publiko ang City Veterinary Office ng Quezon City na mag-ingat sa mga kumakalat na ibenibentang botcha o double dead na karne ng baboy sa lungsod.
 
Ito’y matapos na makumpiska kahapon ang mahigit 70 kilo ng baboy na sinasabing walang tatak ng national meat inspection service sa Brgy. Sto. Domingo.
 
Kaya payo ni City Veterinarian Dra.Anna Marie Cabel – tiyaking may tatak ng nmis ang bibilhing karneng baboy dapat na kulay pink ito at walang amoy.
 
Modus daw kasi ng mga tindera na binubuhusan ng sariwang dugo ang mga karne para magmukha itong bago.



Facebook Comments