Labindalawang taon na ang Meycauayan mula nang ito ay manumbrahan bilang isang lungsod noong December 10, 2006.
Kaugnay nito, ipagdiriwang ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Meycauayan ang kanilang anibersaryo kasabay ng iba’t- ibang mga aktibidades. Isa sa mga gagawin ng lungsod ay ang mega job and business fair sa December 6, 2018 na gaganapin sa Meycauayan Convention Center mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas -3:00 ng hapon.
Ayon kay Ms.Elenita Ty, Meycauayan City Officer, local at international job recruitment ang aasahan sa Huwebes dahil 24 na mga local employers at 1 international employer ang inaasahang darating sa jobs fair.
Hirap ang tanggapang ito na makamit ang kanilang goal dahil sa “attitude towards job” ng mga aplikante. Paliwanag ni Ty, dahil manufacturing ang dominanteng industriya sa lungsod, halos 80 % ng mga nabigyan ng pagkakataong magtrabaho ang di na bumabalik o nagpapatuloy dahil umano, naiinitan sila sa loob ng pabrika. Mas prefer umano ng mga aplikante ng Meycauayan ay mga trabahong pang-opisina, dagdag pa ni Ty. (XL RadyoMaN Ronnie Ramos)
#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS #XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS
Radyo Trabaho textline: 0967 372 9014