Cityhood ng Buluan sa Maguindanao isinusulong

Isinusulong ngayon ang cityhood ng bayan ng Buluan sa Maguindanao. Ito mismo ang sinabi ni Former Mayor Datu Ibrahim Jong Mangudadatu. Sinabi ito ng dating alkalde matapos ipagdiwang ng bayan ang kanilang ika 82nd founding anniversary noong April 9 . Kabilang ang Buluan sa 3 bayan bukod sa Dulawan na ngayon ay Datu Piang at Pagalungan na sa ilalim ng Empire Cotabato noon. Malaki na aniya ang naging pagbabago ng bayan ng Buluan . Marami ng inprastraktura ang naitayo at gumaganda ang peace and order sa lugar. Dagdag pa ng dating alkalde limang taon mula ngayon ay mas marami pang mga inprastraktura ang itatayo. Sa bayan ding ito matatagpuan ang ginagawang provincial capitol ng Maguindanao.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments