Civic space rating ng Pilipinas, bumaba sa ‘repressed’

Ibinaba ng Global civic society alliance na CIVICUS ang civic space rating ng Pilipinas mula “obstructed” patungong “repressed.”

Ito ay sa gitna ng pag-atake sa human rights defenders at mga mamamahayag at pagpasa sa anti-terrorism law.

Ang CIVICUS Monitor ay isang global research collaboration na siyang sumusukat o nagbibigay ng grado sa fundamental freedoms ng 196 na bansa, kabilang ang Pilipinas.


Bukod sa Pilipinas, nabigyan din ng ‘repressed’ rating Cambodia, Venezuela at Russia.

Ang ‘repressed’ civic space rating ay nangangahulugang ‘severely restricted’ ang democratic freedoms gaya ng freedom of expression, peaceful assembly at association.

Ayon kay Josef Benedict, Asia Pacific civic space researcher para sa CIVICUS Monitor, unti-unting nababalewala ang civic freedoms sa ilalim ng administrasyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayong taon, nakita nila ang systematic intimidation, pag-atake at pag-alipusta sa civil society groups at mga aktibista.

Tumindi rin ang crackdown sa press freedoms at mas lumalala ang culture of impunity.

Facebook Comments