Civil Disturbance Management Team ng PNP, ipakakalat sa inagurasyon ng bagong presidente at bise presidente ng bansa

Sisikapin ng Philippine National Police (PNP) na maging mapayapa ang gagawing inagurasyon ng mga susunod na lider ng bansa.

Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Val de Leon, ikakalat nila ang platoon ng Civil Disturbance Management Team sa mga strategic area malapit sa lugar ng inagurasyon.

Ito’y para magkaroon ng crowd control sa lugar at maiwasan ang kaguluhan.


Dagdag pa ni De Leon, mino-monitor nila ngayon ang mga grupo na posibleng manggulo sa inagurasyon

Sa kabila na hindi idinetalye kung anong grupo, sinabi nya na lahat ng magsasagawa ng pagkilos ay kanilang bine-verify.

Nabatid na nagpatupad ng gun ban sa Davao at ipatutupad din ito sa Metro Manila para sa inagurasyon nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Kaugnay nito, pinag-aaralan naman ngayon ng PNP ang paglalagay ng billboard screen sa labas ng venue ng inagurasyon nina Marcos at Duterte nang sa gayon ay mapanood ito ng mga taga-suporta.

Facebook Comments