Nakalatag na rin ang crowd control plan ng Philippine National Police (PNP) para sa Eleksyon 2022.
Ayon kay PNP Directorate for Operations Director Police Major General Val De Leon, activated na nila ang kanilang Civil Disturbance Management (CDM) unit para sa pagbabantay ng seguridad.
Aniya, bahagi ang pagpapakalat ng CDM sa contingency plan ng PNP hanggang sa matapos ang eleksyon.
Ito’y para masiguro na magiging mapayapa ang pagdaraos ng botohan at maiiwasan ang mga pwersa na posibleng maggulo.
Dagdag pa ng opisyal, mayroong dalawang mobile force sa bawat lalwigan na binubuo ng tig-81 na mga pulis.
Kaugnay nito, nakatakda namang magdagdag ang PNP ng pwersa sa mga lugar na idineklara ng Commission on Elections (COMELEC) na under control.
Facebook Comments