CIVIL ENGINEER NA NAKIPAGTALO SA SECURITY GUARD, NAHULIHAN NG BARIL SA LINGAYEN

Nahulihan ng baril ang isang civil engineer sa Lingayen matapos mauwi sa tensyon ang pagtatalo nito at ng isang security guard sa isang tindahan kagabi, Nobyembre 26.

Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo nang sabay na bibili ang dalawang lalaki, kung saan sinubukang suntukin ng suspek ang biktima.

Dumating ang mga pulis habang naglalakad papalayo ang suspek at agad itong inaresto.

Narekober sa mula rito ang improvised caliber .38 revolver na kargado ng limang bala.

Dinala ang suspek at biktima sa Lingayen District Hospital para sa pagsusuri bago sila inilipat sa Lingayen Police Station para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments