Civil registration branches sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ, sarado ayon sa PSA

54

Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na sarado ang Civil Registration System outlets sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).


Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, makakaapekto ito sa mga request para sa kopya ng civil registry documents tulad ng birth, marriage, at death certificates maging ang Certification of No Marriage Record (CENOMAR) o Advisory on Marriage hanggang August 18, 2020.

Inatasan ng PSA ang publiko na maghain ng applications para sa PSA-issued documents online sa www.psaserbilis.com.ph

Ang mga sumusunod na hotlines ay magiging available para sa iba pang inquiries at request sa pamamagitan ng text message mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Globe – 0945-840-6735, 0966-650-6928, 0956-188-7129, 0927-422-8564, 0945-704-1039

Smart – 0999-799-1873

Facebook Comments