CIVIL REGISTRATION SA BAYAMBANG, DINALA SA MGA BARANGAY

Dinala ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang Civil Registration sa Brgy. Nalsian Norte upang talakayin sa mga residente ang mga bagong mandato mula sa Philippine Statistics Authority.

Kabilang sa mga serbisyong tinalakay ay late registration, correction of entries, acknowledgement/admission of paternity, legitimation, supplemental report, at application para sa mga nais makilahok sa libreng mass wedding.

Dumalo sa aktibidad ang mga guro, magulang at iba pang residente upang malinawan sa pagsasaayos ng kanilang rehistro.

Nagpakita naman ng interes ang mga residente sa ibang barangay ukol sa nasabing aktibidad.

Hinimok ng Local Civil Registry Office ang publiko na maging maagap sa pagrerehistro upang matiyak ang legal na pagkakakilanlan at proteksiyong panghabambuhay nang maiwasan ang mahabang proseso sa pagsasaayos nito alinsunod sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments