CIVIL REGISTRATION SERVICES, INILALAPIT SA MGA BARANGAY SA BAYAMBANG

Inihatid ng Local Civil Registry Office ang mga pangunahing serbisyong kaugnay ng civil registration sa Barangay Caturay Bayambang matapos magsagawa ng information and education campaign.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga residente hinggil sa tamang pagrerehistro ng mga civil documents at maipabatid ang mga umiiral na panuntunan ng Philippine Statistics Authority upang maiwasan ang mga problema sa rekord sa hinaharap.

Aktibong lumahok ang mga magulang at opisyal ng barangay sa talakayan at open forum kung saan ipinaliwanag ang kahalagahan ng maayos na civil registration bilang batayan sa pagkuha ng serbisyong panlipunan at iba pang legal na transaksyon.

Kabilang sa mga serbisyong inilapit sa komunidad ang late registration of birth, death, at marriage; correction of clerical error at change of first name; correction of entry sa kasarian at petsa ng kapanganakan; acknowledgement of paternity; legitimation; supplemental report; at free mass wedding.

Ayon sa lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng programang ito, mas napalapit sa mga mamamayan ng malalayong barangay ang mahahalagang serbisyong sibil ng pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments