CIVIL REGISTRY DOCUMENTS, LIBRENG MAKUKUHA NG MGA RESIDENTE SA BINMALEY SA PEBRERO 16

Libreng makukuha ng mga residente sa Binmaley ang certified true copies ng birth, marriage at death certificates sa darating na Lunes, Pebrero 16.

Kinakailangang nakarehistro sa Local Civil Registry Office upang makakuha ng libreng kopya.

Sa loob ng isang araw lamang isasagawa ang libreng serbisyo mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa civil registry office.

Dahil dito, inabisuhan ng mga awtoridad ang mamamayan na samantalahin ang pagkakataon na makakuha ng libreng kopya na maaaring gamitin sa paaralan, trabaho at ilan pang transaksyon na nangangailangan ng patunay ng pagkakakilanlan.

Alinsunod ang aktibidad sa pagdiriwang ng National Civil Registration Month sa ilalim ng Proclamation No. 682, na layong paigtingin ang kahalagahan ng pagpaparehistro tulad ng kapanganakan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments