Hiniling ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa Civil Service Commission o CSC, na maglabas ng interim guidelines para sa safety, prevention at control ng pagkalat ng COVID-19 sa mga tanggapan ng gobyerno na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at General Community Quarantine (GCQ).
Sinabi Revilla na layunin nito na matiyak na makapaghahatid ng serbisyo ang manggagawa ng pamahalaan sa kabila ng banta sa kanilang kalusugan.
Ipinaliwanag ni Revilla, na napakalaking hamon ang kinakaharap ng mga kawani ng pamahalaan sa panahong ito na kahit apektado ng ECQ o GCQ, ay hindi puwedeng maputol ang pagseserbisyo sa taong bayan.
Nauna rito ay pinuri ni Revilla ang Department of Trade and Industry at ang Department of Labor and Employment dahil sa maagap na paglalabas ng panuntunan para sa mga negosyo at kumpanya na muling nagbubukas sa gitna ng COVID-19 pandemic.