Civil Service Exams na nakatakda sa linggo, sinuspendi na dahil sa covid 19

Sinuspinde na ng Civil Service Commissiòn ang career service examination – pen and paper test sa buong bansa sa linggo, Marso 15 2020.

 

Nagdesisyon ang CSC kasunod ng deklarasyon  ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa  State of Public Health Emergency ang bansa dahil sa COVID 19.

 

Nakatakda sanang ipatupad ng Civil Service Exams sa 66 na testing centers sa buong bansa kung saan abot sa 295,711 indibidwal ang kukuha ng pagsusulit.


 

Sa kabuuang bilang, 253,811 ang nakarehistrong examinees sa professional level at 49,900 naman sa subprofessional level.

Facebook Comments