Civil society organizations sa bansa, isinusulong ang dagdag na Official Development Assistance sa mga bansang pinadapa ng COVID-19 pandemic crisis

Sumama na rin ang Development Assistance Committee – Civil Society Organizations dito sa Pilipinas sa nanawagan ng dagdag na Official Development Assistance (ODA) aid sa bansang mahihina upang magamit sa pagtugon sa naging epekto ng COVID-19 pandemic crisis sa kabuhayan ng  kanilang mga ordinanaryong mamamayan.

Ayon kay Reileen Dulay, Coordinator ng DAC-COS, habang mayroon pang banta ang COVID-19, kinakailangan ng mga mahihirap na bansa ng  financing para maisalba ang lugmok nilang mga ekonomiya.

Isa sa ikinakampanya nila ay ang pagkansela sa mga utang ng mahihirap na bansa.


Sa halip ay magkaloob ng grants upang makaagapay ang mga bansang ito sa pagtugon sa kawalan ng trabaho at kagutuman.

Simula sa November 9 at  10, ang OECD Development Assistance Committee, ang international forum for donor countries ay pupulungin ang political leaders para sa DAC High-Level Meeting.

Facebook Comments