CIVILIAN VOLUNTEER SA URBIZTONDO, NAGPAKITA NG KATAPATAN SA PAGBALIK NG NAWALANG PERA

Isang kahanga-hangang halimbawa ng katapatan ang ipinamalas ng isang miyembro ng Civilian Volunteer Organization (CVO) sa Barangay Galarin, Urbiztondo, Pangasinan.

Kinilala ang lalaki na si Franco Quitaleg, matapos niyang isauli ang isang pouch na naglalaman ng halagang ₱14,950.00 na kanyang napulot sa harap ng isang supermarket sa lugar.

Hindi nag-atubili si Idol Franco na dalhin sa mga awtoridad ang pouch upang maibalik sa tunay na may-ari. Sa tulong ng kapulisan ng Urbiztondo, agad na naiturn-over ang naturang halaga sa nagmamay-ari nito.

Lubos ang pasasalamat ng pamilya sa ipinamalas na katapatan ni Idol Franco at sa maagap na aksyon ng mga pulis.

Tunay ngang isang Idol at Good Samaritan si Franco na nagsilbing inspirasyon sa publiko na patuloy pa ring umiiral ang katapatan at malasakit sa kapwa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments